Kasaysayan Ng Jeep
Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.
Taon |
Kaganapan |
|
Ang CJ-2 ay ginawa. 45 modelo ang ginawa at 9 sa 45 ay natitira pa rin hanggang ngayon.
|
|
Nagsimulang gumawa ang Willys ng Willys MB, isa sa mga sikat na sasakyan noon. 335,531 units ang binuo. Ang tatak na"Jeep" ay naging isa sa mga popular na klase ng sasakyan at naging laman ng mga balita sa pagiging pinakamalakas at makapangyarihang sasakyan. Ang Willys MB ang pinakapopular na sasakyan na inirerestore.
|
|
Inilabas ang Willys MA. 1,553 units ang ginawa at 30 sa ito ay patuloy pa ring ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
|
|
Dalawa sa limang prototype ng Willys Quad ay ibinigay sa US Army. Dahil ito ay pinahusay ng 60hp "Go-Devil" engine, ang Willys Quad ay mas malakas at matibay kumpara sa mga kompetisyon na sasakyan na gawa ng Bantam Car Company at Ford.
|
|
Dahil sa Great Depression at bankruptcy, ang kompanyang Willys-Overland Motors ay isinaayos upang maging Willys-Overland Motors, Inc.
|
|
Si John North Willys, ang ama ng kompanya na di kalaunan ay tatawaging "Jeep" ay sumakabilang buhay.
|
|
Natigil ang produksyon ng sasakyang Willys-Knight.
|
|
Ang Willys Whippet ay inilabas. Ito ay may 100" wheelbase, at ito ang pinakamaliit na kotse noon sa Amerika.
|
|
Patuloy na lumago ang produksyon ng Willys at naging pangalawa sa pinakamalaking pagawaan ng auto sa America, pangalawa lamang sa Ford.
|
|
Binili ni John North Willys ang Edwards Motor Company ng New York City, at nakamit ang lisensya sa paggawa ng Knight sleeve-valve engines. Simula noon, ang produksyon ng sasakyang Willys-Knight ay nagsimula.
|
|
Ang pangalang Overland Automotive ay pinalitan ng Willys-Overland Motor Company.
|
|
Ang Overland Automotive ay inilipat sa Toledo, Ohio.
|
|
Si John North Willys, isang Overland dealer mula sa Elmira, NY ay nagtungo sa Indianapolis at binili ang kompanyang Overland Automotive, isang dibisyon ng Standard Wheel Company.
|
|
Ang Standard Wheel Company ay pinalago ang kanilang pagawaan ng bisikleta at nagtayo ng bagong kompanya- ang Overland Automotive.
|
|
Ang sasakyang Overland "Runabout" ay ipinakilala at inilabas sa publiko.
|