Kasaysayan Ng Jeep

Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.

Taon Kaganapan
Ipinakilala ang DJ-6 bilang isang long-wheelbase version ng DJ-5.
Ipinakilala ang Willys Jeepster Commando na base sa chassis ng CJ-6. Ang sasakyang ito ay ginawa bilang roadster, station wagon, pickup, o power-top convertible.
Ginawa ang DJ-6a at idinesenyo para sa gamit pang koreo. Ipinagpatuloy ng AM General ang paggawa nito hanggang 1980s.
Pinalitan ng American Motors Corporation ang Kaiser-Jeep.
Humiwalay ang American General mula sa American Motors Corporation. Di naglaon, ginawa nito ang HMMWV.
Bumalik ang Willys-Overland sa wholesale/retail parts business.
Sinimulan ang produksyon ng CJ-7 na may opsyonal na automatic transmission. Ang sasakyang ito ay mas mahaba sa CJ-5. 379,299 units ang nagawa.
Ang konsepto ng Jeep II ay inilabas. Maihahalintulad ang sasakyang ito sa orihinal na Willys MB at idinesenyo para sa ekonomiyang panggasolina.
Ipinakilala ang CJ-8 "Scrambler". 27,792 sasakyan lamang ang nagawa. Isa ito sa mga sasakyang popular na i-restore.
Ipinakilala ang CJ-10 at CJ-10a. Kakaunti lamang ang nagawang modelo na ito. Ang CJ-10a ay naglalaman ng Nissan diesel engine, low-range gearing at ng Dana 70 rear axle. Ang CJ-10a ay may kapangyarihang humila hanggang sa 20 na tonelada at ginagamit para sa panghila ng mga eroplano.
Ipinakilala ang makabagong Cherokee (XJ) at nakipagkumpetensiya sa lumalagong marketo ng SUV na sasakyan.
Ang unang first Wrangler (YJ) ay ipinakilala bilang kapakit ng CJ lineup. Ito ay naglalaman ng square headlights at mas malaking kaha kumpara sa CJ.
Inilabas ang Comanche (MJ) pickup. Ito ay ibinase sa arkitektura ng Cherokee.
Binili ang American Motors ng Chrysler Corporation.
Ang long wheelbase version ng YJ ay ginawa sa Valencia, Venezuela para sa marketong pang-export lamang.
Itinigil ang produksyon ng J-Series Grand Wagoneer.
Ang Renegade trim level ay idinagdag sa YJ lineup. Ang trim level ay nagpapakita ng natatanging fender skirt package at ang makabagong 4.0L I-6 engine.
Ipinakilala ng Chrysler ang Grand Cherokee (ZJ) upang palitan ang itinigil na Wagoneer.
Binago ang disenyo ng Wrangler (TJ). Ibinalik ang bilugang headlights at binago ang front suspension sa coil sprung imbis na leaf sprung.
Inilabas ang konsepto ng Jeep Dakar. Humanga ang publiko sa kanyang light bar, roof rack, at klasikong Jeep na istilo.
Inilabas ang konsepto ng Jeep Icon. Isa sa mga natatanging katangian ay ang hiwalay na front at rear suspension.
Binago ang disenyo ng Jeep Cherokee. Ang mga linya sa kaha ng sasakyan ay kininis at binago ang disenyo ng loob ng sasakyan.
Ang Daimler-Benz ay sumama sa Chrysler Corporation upang buuin ang DaimlerChrysler, ang pang-lima sa pinakamalaking pagawaan ng auto sa mundo.
Ang konsepto ng Jeepster vehicle ay inilabas.
Binago ang disenyo ng Grand Cherokee. Ang sasakyang ito (WJ) ay nanalo bilang pinakamahusay na 4x4 vehicle ng taon.