Skip to main content

Kasaysayan Ng Jeep

Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.

Taon Kaganapan
Ginawa ang M38 / MC para sa US Army. Maihahalintulad sa CJ-V35, ang sasakyang ito ay ipinadala upang suportahan ang tropa para sa Korean War.
Ang Willys Engineering ay gumawa ng prototype ng sasakyan na tinawag na X-98.
Ginawa ng Willys ang prototype ng CJ-4. Isang sasakyan lamang ang nagawa.
Ginawa ng Willys ang military prototype ng CJ-4M at CJ-4MA (long-wheelbase). Ang naturang mga sasakyan ay maihahalintulad sa CJ-4 prototype ngunit naglalaman ng snorkel, blackout lights, etc.
Inilabas ang CJ-3A at mahigit sa 132,000 ang ginawa hanggang nagtapos ang produksyon noong 1953.
Nagsimula ang produksyon ng Willys Jeepster. 19,000 sasakyan lamang ang ginawa mula 1948 hanggang 1950.
Ang unang protoype ng Land Rover ay nilikha ng pamilyang Wilks at ginamit ang mga spare parts ng Willys MB.
Nagsimula ang produksyon ng Willys Jeep Truck. Mula 1947 hanggang 1965, higit sa 200,000 ang ginawa.
Sinimulan ang produksyon ng Willys Jeep Wagon. Higit sa 300,000 ang ginawa mula 1946 at 1965. Ang sasakyang ito ang kauna-unahang 4-wheel drive wagon at ang pinagmulan ng ngayong Grand Cherokee at Commander.
Sinimulan ng Willys-Overland ang paggawa ng Civilian Jeep (CJ) line, at ipinakilala ang modelong CJ-2A. 214,202 units ang nagawa mula 1945 at 1949.
Kinontrata ng US Army ang Willys para pagbutihin ang paggawa ng long-wheelbase version ng MB. Sumunod ang Willys sa pamamagitan ng paggawa ng MLW-1 at MLW-2 prototypes.
Ang Jeep CJ-1 ay ginawa. Ito ang unang prototype ng mga CJ. Napag-alamang wala ng natitirang CJ sa pangkasalukuyan.
Ang CJ-2 ay ginawa. 45 modelo ang ginawa at 9 sa 45 ay natitira pa rin hanggang ngayon.
Nagsimulang gumawa ang Willys ng Willys MB, isa sa mga sikat na sasakyan noon. 335,531 units ang binuo. Ang tatak na"Jeep" ay naging isa sa mga popular na klase ng sasakyan at naging laman ng mga balita sa pagiging pinakamalakas at makapangyarihang sasakyan. Ang Willys MB ang pinakapopular na sasakyan na inirerestore.
Inilabas ang Willys MA. 1,553 units ang ginawa at 30 sa ito ay patuloy pa ring ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
Dalawa sa limang prototype ng Willys Quad ay ibinigay sa US Army. Dahil ito ay pinahusay ng 60hp "Go-Devil" engine, ang Willys Quad ay mas malakas at matibay kumpara sa mga kompetisyon na sasakyan na gawa ng Bantam Car Company at Ford.
Dahil sa Great Depression at bankruptcy, ang kompanyang Willys-Overland Motors ay isinaayos upang maging Willys-Overland Motors, Inc.
Si John North Willys, ang ama ng kompanya na di kalaunan ay tatawaging "Jeep" ay sumakabilang buhay.
Natigil ang produksyon ng sasakyang Willys-Knight.
Ang Willys Whippet ay inilabas. Ito ay may 100" wheelbase, at ito ang pinakamaliit na kotse noon sa Amerika.
Patuloy na lumago ang produksyon ng Willys at naging pangalawa sa pinakamalaking pagawaan ng auto sa America, pangalawa lamang sa Ford.
Binili ni John North Willys ang Edwards Motor Company ng New York City, at nakamit ang lisensya sa paggawa ng Knight sleeve-valve engines. Simula noon, ang produksyon ng sasakyang Willys-Knight ay nagsimula.
Ang pangalang Overland Automotive ay pinalitan ng Willys-Overland Motor Company.
Ang Overland Automotive ay inilipat sa Toledo, Ohio.
Si John North Willys, isang Overland dealer mula sa Elmira, NY ay nagtungo sa Indianapolis at binili ang kompanyang Overland Automotive, isang dibisyon ng Standard Wheel Company.