Skip to main content

Kasaysayan Ng Jeep

Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.

Taon Kaganapan
Ang long wheelbase version ng YJ ay ginawa sa Valencia, Venezuela para sa marketong pang-export lamang.
Binili ang American Motors ng Chrysler Corporation.
Ang unang first Wrangler (YJ) ay ipinakilala bilang kapakit ng CJ lineup. Ito ay naglalaman ng square headlights at mas malaking kaha kumpara sa CJ.
Inilabas ang Comanche (MJ) pickup. Ito ay ibinase sa arkitektura ng Cherokee.
Ipinakilala ang makabagong Cherokee (XJ) at nakipagkumpetensiya sa lumalagong marketo ng SUV na sasakyan.
Ipinakilala ang CJ-10 at CJ-10a. Kakaunti lamang ang nagawang modelo na ito. Ang CJ-10a ay naglalaman ng Nissan diesel engine, low-range gearing at ng Dana 70 rear axle. Ang CJ-10a ay may kapangyarihang humila hanggang sa 20 na tonelada at ginagamit para sa panghila ng mga eroplano.
Ipinakilala ang CJ-8 "Scrambler". 27,792 sasakyan lamang ang nagawa. Isa ito sa mga sasakyang popular na i-restore.
Ang konsepto ng Jeep II ay inilabas. Maihahalintulad ang sasakyang ito sa orihinal na Willys MB at idinesenyo para sa ekonomiyang panggasolina.
Sinimulan ang produksyon ng CJ-7 na may opsyonal na automatic transmission. Ang sasakyang ito ay mas mahaba sa CJ-5. 379,299 units ang nagawa.
Bumalik ang Willys-Overland sa wholesale/retail parts business.
Humiwalay ang American General mula sa American Motors Corporation. Di naglaon, ginawa nito ang HMMWV.
Pinalitan ng American Motors Corporation ang Kaiser-Jeep.
Ginawa ang DJ-6a at idinesenyo para sa gamit pang koreo. Ipinagpatuloy ng AM General ang paggawa nito hanggang 1980s.
Ipinakilala ang Willys Jeepster Commando na base sa chassis ng CJ-6. Ang sasakyang ito ay ginawa bilang roadster, station wagon, pickup, o power-top convertible.
Pinalitan ng Gladiator J-Series pickup ang Willys Pickup.
Itinigil ng Kaiser-Jeep ang produksyon ng Willys wagons at trucks, at itinigil na rin ang pangalang Willys kasama nito.
Pinalitan ng DJ-5 ang modelong DJ-3a para sa sasakyang panghatid at pampasyal.
Ipinakilala ang DJ-6 bilang isang long-wheelbase version ng DJ-5.
Sinimulan ang produksyon ng CJ-5A at CJ-6A Tuxedo Park editions.
Pinalitan ang pangalan ng kompanya sa Kaiser-Jeep Corporation.
Inilabas ang J-Series Wagoneer. Mas malaki kumpara sa Willys Wagon, ang sasakyang ito ang unang 4 wheel drive SUV na may automatic transmission.
Ginawa ang M606 mula sa CJ-3B. Ang opsyonal na heavy-duty features ay idinagdag sa sasakyan para sa gamit pang-militar.
Nagsimula ang paggawa sa M151 sa ilalim ng pinagsamang talino ng Jeep, AM General, at General Motors.
Nagsimula ang produksyon ng FC-170 DRW (dual rear wheel) truck.
Nagsimula ang produksyon ng FC-170 truck.