Skip to main content

Kasaysayan Ng Jeep

Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.

Taon Kaganapan
2005 Inilabas ang konsepto ng Jeep Gladiator truck. Ang sasakyang ito ay may hawig na pangalan sa 1960's na Jeep pickup at may natatanging side-mounted spare tire, diesel engine, at expandable truck bed.
2005 Inilabas ang Jeep Commander (XK). Ang modelong 2006 ang unang Jeep na sasakyan na may 7 na pasahero mag mula ng gawin ang Willys Wagon. Ang Commander ay may 330hp HEMI engine.
2005 Inilabas ang Jeep Grand Cherokee SRT-8. Ang modelong 2006 ang may pinakamabilis na produksyon ng SUV at naglalaman ng 415hp 6.1L HEMI at full-time four wheel drive. Ang sasakyang ito ay kayang ikumpleto ang 0-60mph sprints sa ilalim ng 5 segundo.
2005 Inilabas ang Jeep Patriot na may klasikong slab-side design.
2005 Inilabas ang konsepto ng Jeep Compass Rallye. Ang sasakyang ito ay may low-slung, rally-inspired, all wheel drive auto na inihantulad sa disenyo ng Dodge Caliber.
2004 Ang prototype ng Jeep Rescue ay inilabas. Idinesenyo para sa search at rescue operations, ang natatanging katangian nito ay ang high ground clearance, Cummins diesel engine, at ekstensibong elektroniks.
2004 Sumunod sa yapak ng CJ-6 at CJ-8 ang inilabas na bagong Wrangler Unlimited. Ang naturang long-wheelbase vehicle na ito ay meron ding rugged Rubicon trim level.
2004 Inilabas ang Liberty CRD (common rail diesel). Ang sasakyang ito ang isa sa mga modernong diesel domestic na sasakyan.
2004 Binago ang disenyo ng Grand Cherokee. Ang modelong 2005 (WK) ay may hiwalay na front suspension at ang makapangyarihang 330hp HEMI engine. Nagwagi ito bilang pinakamahusay na 4x4 na sasakyan ng taon.
2003 Ang Rubicon trim level ay isinama sa linya ng mga Wrangler. Ang sasakyang ito ay naglalaman ng lockers, 4.11 axle gear ratio, at puncture resistant tires.
2002 Ipinakilala ang Jeep Liberty (KJ) bilang kapalit ng Jeep Cherokee. Ngunit ginamit pa rin ang pangalang Cherokee para sa marketong pang ibang bansa.
2002 Ipinakilala sa publiko ang konsepto ng Jeep Compass.
2001 Matapos ang mahigit sa 17 taon ng produksyon, itinigil ang paggawa ng Jeep Cherokee.
2001 Ang konsepto ng Jeep Willys ay inilabas.
2000 Ang konsepto ng Jeep Varsity ay inilabas.
1999 Binago ang disenyo ng Grand Cherokee. Ang sasakyang ito (WJ) ay nanalo bilang pinakamahusay na 4x4 vehicle ng taon.
1999 Ang konsepto ng Jeep Commander ay inilabas.
1999 Inilabas ang konsepto ng Jeep Commander 2. Maihahalintulad sa Commander, ang konsepto ay naglalaman ng pollution free fuel-cell powertrain.
1998 Ang Daimler-Benz ay sumama sa Chrysler Corporation upang buuin ang DaimlerChrysler, ang pang-lima sa pinakamalaking pagawaan ng auto sa mundo.
1998 Ang konsepto ng Jeepster vehicle ay inilabas.
1997 Binago ang disenyo ng Wrangler (TJ). Ibinalik ang bilugang headlights at binago ang front suspension sa coil sprung imbis na leaf sprung.
1997 Inilabas ang konsepto ng Jeep Dakar. Humanga ang publiko sa kanyang light bar, roof rack, at klasikong Jeep na istilo.
1997 Inilabas ang konsepto ng Jeep Icon. Isa sa mga natatanging katangian ay ang hiwalay na front at rear suspension.
1997 Binago ang disenyo ng Jeep Cherokee. Ang mga linya sa kaha ng sasakyan ay kininis at binago ang disenyo ng loob ng sasakyan.
1993 Ipinakilala ng Chrysler ang Grand Cherokee (ZJ) upang palitan ang itinigil na Wagoneer.