Skip to main content

Kasaysayan Ng Jeep

Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.

Taon Kaganapan
1965 Ipinakilala ang DJ-6 bilang isang long-wheelbase version ng DJ-5.
1966 Ipinakilala ang Willys Jeepster Commando na base sa chassis ng CJ-6. Ang sasakyang ito ay ginawa bilang roadster, station wagon, pickup, o power-top convertible.
1967 Ginawa ang DJ-6a at idinesenyo para sa gamit pang koreo. Ipinagpatuloy ng AM General ang paggawa nito hanggang 1980s.
1970 Pinalitan ng American Motors Corporation ang Kaiser-Jeep.
1971 Humiwalay ang American General mula sa American Motors Corporation. Di naglaon, ginawa nito ang HMMWV.
1975 Bumalik ang Willys-Overland sa wholesale/retail parts business.
1976 Sinimulan ang produksyon ng CJ-7 na may opsyonal na automatic transmission. Ang sasakyang ito ay mas mahaba sa CJ-5. 379,299 units ang nagawa.
1977 Ang konsepto ng Jeep II ay inilabas. Maihahalintulad ang sasakyang ito sa orihinal na Willys MB at idinesenyo para sa ekonomiyang panggasolina.
1981 Ipinakilala ang CJ-8 "Scrambler". 27,792 sasakyan lamang ang nagawa. Isa ito sa mga sasakyang popular na i-restore.
1982 Ipinakilala ang CJ-10 at CJ-10a. Kakaunti lamang ang nagawang modelo na ito. Ang CJ-10a ay naglalaman ng Nissan diesel engine, low-range gearing at ng Dana 70 rear axle. Ang CJ-10a ay may kapangyarihang humila hanggang sa 20 na tonelada at ginagamit para sa panghila ng mga eroplano.
1984 Ipinakilala ang makabagong Cherokee (XJ) at nakipagkumpetensiya sa lumalagong marketo ng SUV na sasakyan.
1986 Ang unang first Wrangler (YJ) ay ipinakilala bilang kapakit ng CJ lineup. Ito ay naglalaman ng square headlights at mas malaking kaha kumpara sa CJ.
1986 Inilabas ang Comanche (MJ) pickup. Ito ay ibinase sa arkitektura ng Cherokee.
1987 Binili ang American Motors ng Chrysler Corporation.
1988 Ang long wheelbase version ng YJ ay ginawa sa Valencia, Venezuela para sa marketong pang-export lamang.
1991 Itinigil ang produksyon ng J-Series Grand Wagoneer.
1991 Ang Renegade trim level ay idinagdag sa YJ lineup. Ang trim level ay nagpapakita ng natatanging fender skirt package at ang makabagong 4.0L I-6 engine.
1993 Ipinakilala ng Chrysler ang Grand Cherokee (ZJ) upang palitan ang itinigil na Wagoneer.
1997 Binago ang disenyo ng Wrangler (TJ). Ibinalik ang bilugang headlights at binago ang front suspension sa coil sprung imbis na leaf sprung.
1997 Inilabas ang konsepto ng Jeep Dakar. Humanga ang publiko sa kanyang light bar, roof rack, at klasikong Jeep na istilo.
1997 Inilabas ang konsepto ng Jeep Icon. Isa sa mga natatanging katangian ay ang hiwalay na front at rear suspension.
1997 Binago ang disenyo ng Jeep Cherokee. Ang mga linya sa kaha ng sasakyan ay kininis at binago ang disenyo ng loob ng sasakyan.
1998 Ang Daimler-Benz ay sumama sa Chrysler Corporation upang buuin ang DaimlerChrysler, ang pang-lima sa pinakamalaking pagawaan ng auto sa mundo.
1998 Ang konsepto ng Jeepster vehicle ay inilabas.
1999 Binago ang disenyo ng Grand Cherokee. Ang sasakyang ito (WJ) ay nanalo bilang pinakamahusay na 4x4 vehicle ng taon.