Skip to main content

Kasaysayan Ng Jeep

Ang tatak na Jeep ay may mahabang kasaysayan at kwento. Nagsimula ang kasaysayan nito bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang Jeep ay nagkaroon ng ilang nagmamay-ari simula noon. Sa seksyon na susunod, inyong mababasa ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Jeep.

Taon Kaganapan
1950 Ang Willys Engineering ay gumawa ng prototype ng sasakyan na tinawag na X-98.
1950 Ginawa ng Willys ang prototype ng CJ-4. Isang sasakyan lamang ang nagawa.
1950 Ginawa ng Willys ang military prototype ng CJ-4M at CJ-4MA (long-wheelbase). Ang naturang mga sasakyan ay maihahalintulad sa CJ-4 prototype ngunit naglalaman ng snorkel, blackout lights, etc.
1952 Sinimulan ang produksyon ng M38A1. Ang sasakyang ito ay dinisenyo upang magdala ng rear-mounted 105mm o 106mm recoilless rifle.
1952 Sinimulan ang produksyon ng Willys Aero compact car.
1953 Inilabas ang prototype ng BC Bobcat lightweight combat vehicle. Hindi nagpatuloy ang produksyon ng sasakyang ito.
1953 Binili ng Kaiser ang Willys-Overland at pinalitan ang pangalan nito sa Willys Motor Company.
1953 Sinimulan ang paggawa ng CJ-3B . Sa taong 1968, higit sa 155,494 ang naibenta. Makalipas ang mahigit na 50 taon, ang naturang sasakyan ay patuloy pa ring inaasemble sa lisensiya ng kumpanyang Mahindra of India.
1954 Sinimulan ang produksyong ng CJ-5. 603,303 units ang naisagawa sa sampung taon.
1954 Sinimulan ang produksyon ng M170. Ang sasakyang ito ay dinisenyo upang maging field ambulance o six-man troop carrier.
1955 Ginawa ang USAF DJ para sa non-combat maintenance at trabahong pangdelivery ng US military bases.
1955 Ipinakilala ang CJ-6. Base sa CJ-5, ang sasakyang ito ay may wheelbase na 20" ang haba. 50,172 units lamang ang nagawa.
1955 Ipinakilala ang DJ-3a debuts bilang two-wheel drive version ng CJ-3a. Ang sasakyang nito ay ginagamit para sa koreo at ang surrey-topped version ay ginawa bilang sasakyang pang turista.
1955 Sinimulan nag produksyong ng CJ-3B long-wheelbase vehicle sa ilalim ng lisensiya ng ilang manufacturers sa mundo. Ang long-wheelbase ay hindi ginawa sa United States.
1956 Nagsimula ang produksyon ng FC-150 truck.
1957 Nagsimula ang produksyon ng FC-170 truck.
1958 Nagsimula ang produksyon ng FC-170 DRW (dual rear wheel) truck.
1959 Nagsimula ang paggawa sa M151 sa ilalim ng pinagsamang talino ng Jeep, AM General, at General Motors.
1960 Ginawa ang M606 mula sa CJ-3B. Ang opsyonal na heavy-duty features ay idinagdag sa sasakyan para sa gamit pang-militar.
1963 Pinalitan ang pangalan ng kompanya sa Kaiser-Jeep Corporation.
1963 Inilabas ang J-Series Wagoneer. Mas malaki kumpara sa Willys Wagon, ang sasakyang ito ang unang 4 wheel drive SUV na may automatic transmission.
1964 Sinimulan ang produksyon ng CJ-5A at CJ-6A Tuxedo Park editions.
1965 Pinalitan ng Gladiator J-Series pickup ang Willys Pickup.
1965 Itinigil ng Kaiser-Jeep ang produksyon ng Willys wagons at trucks, at itinigil na rin ang pangalang Willys kasama nito.
1965 Pinalitan ng DJ-5 ang modelong DJ-3a para sa sasakyang panghatid at pampasyal.