Vintage Jeeps: Willys Overland & Jeep Utility Vehicles

Ang Jeepney

Ang Jeepney
Ang pagtatapos ng World War II sa Pacific ay nagiwan ng mga sobrang military jeep sa Pilipinas. Ginamit ng mga Pilipino ang kanilang kasanayan sa metal crafting upang bumuo ng mga sasakyang pampubliko.

Kahit na ang inspirasyon ay ang American Jeep, ang Jeepney ay tunay na gawang Pilipino. Binuo sa pamamagitan ng kamay ng mga kompanya tulad ng Armak, Sarao, Hebron, at LGS Motors, ang modernong Jeepney ay karaniwang pinapatakbo ng isang 4-silindro Isuzu o Mitsubishi diesel engine. Ang kanilang mga bakal na shells ay madalas na pinapakintab ng chrome o makukulay na pintura. Sa panahon ng aming paglalakbay kamakailan sa Pilipinas ako ay hindi lamang nabighani ng sining at kulay ng mga Jeepney, ngunit nagkaroon din ako ng pagkakataong sumakay at maging isang tsuper ng jeep.

Pagmomodelo ng mga Klasikong Sasakyan

Pagmomodelo ng mga Klasikong Sasakyan
Si Dan Palatnik, isang residente mula sa Rio de Janeiro ay pinagsama ang teknikal na paglalarawan at sining upang lumikha ng ilang mga tunay at makakatotohanang modelo. Si Dan ay dalubhasa sa mga classic cars mula 1930 hanggang 1960.

Ibinahagi niya ang ilang renderings ng classic Brazilian Willys sa amin.

Available Na Ang Kaiser Willys Catalog

Available Na Ang Kaiser Willys Catalog
Kaiser Willys, ang maaasahang source ng mga parts at accessories para sa mga unang modelo ng Willys at Jeep ay naglathala na ng kanilang catalog.

Ang libreng catalog na ito ay naglalaman ng deskripsiyon ng mga producto at mga makukulay na detalyadong ilustrasyon. Basahin din ang "Old Yeller", isang natatanging kwento na matatagpuan din sa catalog. Kung ikaw ay naghahanap ng produkto mula sa gulong o window trim, grills o gaskets, kumonsulta sa Kaiser Willys para sa inyong mga pangangailangang pang restorasyon at pangangalaga ng sasakyan.

Ang Resureksyon Ng Kasaysayang Pang-Militar

Ang Resureksyon Ng Kasaysayang Pang-Militar
Ang istorya kung paano "nanalo sa gera" ang Willys MB ay patuloy na ikinikwento.

Subalit, ang eksena ng Willys / Jeep sa mga sasakyang pang-militar ay hindi nagtatapos dito. Ang M38 at M38A1 ay nakipagdigmaan sa Korea. Ang M38A1 ay nakipaglaban din sa Vietnam. Sinamahan ito ng mga troop carriers tulad ng natatanging M677 Forward Control.

Sa paglabas ng HMMWV, tumigil ang "military involvement" ng Jeep. Ngunit ang kapangyarihang pangmilitar ng Jeep ay nabuhay muli ng inilabas ang makapangyarihang Jeep J8.

Ang Unang Sport Utility Wagon

Ang Unang Sport Utility Wagon
Habang pinagkaguluhan at biglang naglaho ang interes ng mga tao sa mga SUV, ang Jeep ay patuloy na nagiging tanyag. Ang tatak na Jeep brand ang pinagmulan ng unang sport utility wagon.

Noong 1946 ang unang Willys Wagon ay ginawa. Mahigit na 300,000 na sasakyan ang ginawa mula taong 1946 hanggang 1965. Ang sasakyang ito ang unang 4-wheel drive wagon at ang pinagmulan ng mga sasakyan tulad ng Cherokee, Grand Cherokee, Liberty, at Commander.

Noong 1947 ang Willys Wagon ay sinamahan ng Willys Jeep Truck. Ang sasakyang ito ay maihahalintulad sa Wagon. Mula 1947 hanggang 1965, mahigit sa 200,000 ang ginawa.

Marami sa mga beteranong nakipaglaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nabighani sa galing at lakas ng Jeep. Sila ay naging suki ng Willys Wagon at Trucks para sa kanilang gamit pang-pamilya. Maswerte kami at mayroon kaming 1955 Willys Truck na sa kasalukyan ay naghihintay ng restorasyon.